III. ALDORM

III

Umalis na nga si Prida. Iniwan na niya kami ni Eva sa dormitoryo ni Apo Lilith kasama narin ng wirdong matanda. Doon ko lang napansin na may signage pala sa may bukana ng pinto ng bago naming tutuluyan sa darating na anim na buwan. Isang malaking ALDORM ang nakasulat doon at tila nananakot sa chiller font nito.

Dinaanan namin ang nakakatakot na lobby kung saan naghintay kami ni Eva kanina sa pag-uusap nina Lilith at Prida. May tatlong pinto sa loob nito at tumuloy kami sa pangalawang pinto na tila lagusan patungo sa isang makitid at mahaba-habang hallway.

Hallway3

“Creepy…” kumento ni Eva. “Shhhh!” tugon naman ni Apo Lilith.

“May tig anim na kwarto sa bawat palapag nitong ALDORM.” lahad ng matanda.

“Hindi niyo naitatanong pero madalas ay nagkakaubasan ng kwarto rito, lalo na kapag ganitong panahon ng CABALWAN pasalamat kayo’t suki ko na ang pamilyang Veil kaya’t naipag tabi ko kayo ng isang kwarto.” pabulong na pagpapatuloy nito habang mabilis na naglalakad sa harapan namin- tila may natutulog na bawal magising sa kilos niya.

“Isa?!” pasigaw na sabat ni Eva sa matanda. Napatigil sa paglalakad si Apo Lilith, marahan ay iniayos niya ang pagkakasuot ng kanyang salamin at muli nanaman itong nag-slow motion na humarap sa amin ni Eva. Dinilat niya ang kanyang mata at dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig na amoy patay na daga-

“Ou. Eeeee…SA.” nakakapanindig balahibong bigkas nito. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi na kumibo si Eva pagkatapos noon, maging ako’y hindi na nagreklamo sa ideyang magsasama kami ng kwarto. Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda na walang kibo naman naming sinundan. Hanggang sa makadating kami sa ikatlong palapag kung saan naroon ang magiging kwarto namin ni Eva.

Dorm Room2

May tig-isa kayong kama, lamesita, aparador at susi nitong kwarto. Isa lang ang banyo nito kaya’t kailangan niyong magbigayan. Kung si Prida may tatlong panuntunan ang sa akin isa lang, ‘wag muna kayong mag-away sa darating na anim na buwan. Tsaka na kapag wala na kayo sa ALDORMitoryo ko!.” buong hininga niyang bigkas sa amin.

“May katanungan ba kayo?”

Hindi ako kumibo dahil nababauhan na talaga ako sa amoy ng kanyang bulok na bibig, nang biglang nagtanong si Eva.

“Bakit ALDORM? May ibig sabihin ba ‘yon?” taas kilay at buong pagtataka ni Eva. Sa ginawa niya mas lalo lang niyang pinahaba ang pagtitiis namin sa hininga ng matanda.

“Ahhh.” halos lumitaw ang mga bagang ng matanda sa ngiti at pagtango. Hindi ko na napigilan at nagtakip na ako ng ilong.

“Iha Evaaa. Ang ALDORM ay hango lamang sa aking pangalan, wala itong importanteng kahulugan.” tsaka siya humalakhak at tumatawang lumabas ng aming silid- parang baliw.

“Apo Lilith’s Dorm.” sabay naming bulong ni Eva sa isa’t isa.

II. THE RULES

II

image_t6Halos sinasakop na ng dilim ang kabuuan ng langit nang lumabas kami ng bahay para ihatid si Prida. Tahimik parin hanggang sa labas. Isisipin ko na sanang ghost town ang bago kong titirhan pero may mga tao’t sasakyan namang dumadaan daan.

“Ou ate.” Sagot ni Eva kay Prida. Hindi ko narinig kung ano ang pinag-uusapan nila, ayoko din naman pakinggan.

“Ikaw din Ava, ha?” biglang baling sa akin ni Prida. Tumango ako ng banayad, kahit hindi ko alam kung ano ‘yon.

“Lilit ikaw na ang bahala sa kanila, sila na ang huling aalagaan mo kaya paghusayan mo na ng husto.” Kung meron man akong pinagmanahan ng kawalan ko ng galang kay Prida ‘yon.

images“Alam ko ang gagawin ko Prida, kaya nga lumaki ka ng tama kagaya ng apat mo pang kapatid diba?” pagmamayabang ni Apo Lilit na hindi naman pinansin ni Prida. Sumakay siya sa sasakyan niya, isinara ang pinto at sinindihan niya ito. Umatras kami nina Eva pati na ni Apo Lilit.

Papasok na sana kami ng bahay ng biglang ibaba ni Prida ang bintana ng sasakyan niya. “Lilit, iba sila. Malayo sa aming lima. I assure you that.” walang emosyong sagot ni Prida. “Nga pala Eva, Ava. ‘dont forget my three rules. One, narito kayo para mag-aral. Tutunan niyo lahat ng pwedi niyong tutunan. Two, ‘wag niyo ng tutunan ang magmahal. I don’t think we’re capable of that. Lastly try not to go to churches, as I keep on telling you… It’s not good for our health.” Tsaka niya kami binigyan ng flying kiss na mas nagpatindig ng balahibo ko.

I. TWINS

I

Tahimik. Madilim. Parang hindi umiihip ang hangin. Nakakatakot.

“Evaaa, Avaaa.” husky at tumatango-tangong sambit nung matanda sabay tingin sa’min ng kakambal kong si Eva habang kausap niya si Prida mula sa kinauupuan namin.

“Uy!” kalabit ni Eva. “Panget ng bahay no?”

“Shh. ‘wag ka ngang maingay. Marinig ka pa nung matanda lutuin ka pa mamaya. Tsaka hindi pa naman natin nakita ang bahay, ‘wag kang judge mental.” bulyaw ko.

“Mukha siyang mangkukulam. Nakakainip, kanina pa sila nag-uusap. Matatapos ba sila?” tanong ni Eva, halatang naiinis na sa paghihintay. Tinignan ko ulit sina Prida, mukhang malapit naman na silang matapos.

“Patapos na ata sila, tumahimik ka na lang muna dyan.” sagot ko sa kakambal ko tsaka niya ako tinalikuran at isinuot ang headset niya.

Binalikan ko ulit ng tingin sina Prida. Tumatango-tango lang ‘yong matanda. Muli, binalikan niya ako ng tingin, pero sa pagkakataong ito, niliit niya ang kanyang mga mata na lalong nagpalabas sa mga kulubot ng kanyang mukha at inayos ang pagkakasuot ng kanyang salamin tsaka marahang tumango, parang slow motion, tinignan na rin ako ni Prida at ngumiti ng banayad. Weird, kasi hindi naman marunong ngumiti si Prida kagaya ng hindi ko siya tinatawag na ate. Pagkatapos noon ay nilapitan na nila kami.

lilith“Eva, Ava.” bungad ni Prida sa amin. Agad namang tumingin si Eva at hinubad ang headset niya. Tumayo kami. “Heto si Apo Lilit, siya ang magbabantay sa inyo habang tinatapos niyo ang pag-aaral niyo dito. Lilit si Eva-” tsaka niya tinuro si Eva. Mabilis namang nagmano ang kambal ko sa matanda. “Tsaka si Ava-” sabay turo sa akin. Hindi ko talaga balak magmano kay Apo Lilit pero dahil nandyan si Prida magmamano sana ako pero hindi ko din naituloy dahil inunahan ako ni Lilit. Ninakaw niya ang kanan kong kamay, mabilis. Pagkatapos ay nagmano siya roon at sinundan pa niya ng halik. Nginitian niya ako na para bang tuwang-tuwa siya sa akin. Gusto ko sanang itulak palayo ang matanda pero nakita ko sa gilid ng aking mata ang inggit kay Eva- napangiti na rin ako.